“I won’t be joining you for dinner tonight, ninong; I’m going out with Brent.” Iyon ang mga salitang bumungad kay Daxon matapos niyang sabihan ang dalaga na magluluto siya ng steak para sa hapunan nila dahil matagal na rin silang hindi nakakakain nang sabay. He was expecting her to agree; to nod her head excitedly. But none of his expectations were met. “O-Oh, okay,” aniya at tipid na ngumiti sa dalaga. “I can see that you’ve been enjoying his company these past few days.” Hindi na niya napigilang magkomento. May bahid ng pait at lungkot sa boses niya na pilit niyang ikinukubli sa kaswal niyang tono. Sa loob nang halos isang linggo ay halos hindi na niya ito nakausap sa labas ng trabaho. She’s mostly out having meals with Brent and on weekends they would go on dates. At sa bawat araw