Hindi mapigilang mapatitig ni Daxon sa inaanak matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya lubos akalaing maririnig niya sa bibig ng dalaga ang mga salitang ‘yon. She made him feel replaceable. Napangisi siya. He couldn’t help but feel challenged. Pakiramdam niya’y sinusubok ng dalaga ang kakayahan niya. Napaisip tuloy siya na ipatikim sa dalaga ang hagupit niya; ang rason kung bakit maraming naghahabol sa kanya. ‘Don’t fall in love with her, huh?’ Alam niya sa sarili niyang malabong mangyari ‘yon. There’s no reason for him to fall in love with her. Pero malaki ang posibilidad na ito ang mahulog sa kanya, and that’s what he plans to do. He will make her fall in love with him and make her realize how dangerous it is to play with his fire. Tumayo siya at nilapitan ang dalag