Hindi maipaliwanag ni Althea ang pait na nararamdaman niya. May kung anong kirot na gumuhit sa kanyang dibdib nang makitang may ibang babaeng kayakap ang ninong niya, na para bang mantsa na hindi maalis-alis sa isipan niya ang eksenang naabutan kanina. Pakiramdam niya’y niloko siya nito kahit hindi naman sila, and that’s exactly what made it more painful to bear. Hindi sila; malinaw sa kanya ‘yon, pero may parte sa kanya na gustong solohin ang lalaki. Humiga siya sa kama at pinili na lang na manood ng videos online para libangin ang sarili niya, pero hindi niya pa rin mapigilang maisip ang nakita kanina. Bakit siya nandito? Tumayo siya at nagtungo sa salamin. Tiningnan niya ang sarili niya at hindi niya mapigilang ikumpara ito kay Felicity. Mapait siyang napangiti habang isa-isang tini