Nasa sala lang si Daxon, nanonood ng TV at hinihintay ang pag-uwi ni Althea. Hindi niya maitago ang ngiti sa kanyang mga labi habang binabalikan ang mainit na tagpo nilang dalawa kung saan tuluyan nang bumigay ang dalaga sa kanya. He feels so accomplished. Pakiramdam niya’y nagtagumpay siya sa isang bagay na hindi niya matukoy kung ano. She wants me, too. Mas lalong lumapad ang ngisi niya sa naisip. Nagbunga ang pang-aakit niya, dahil sa wakas ay pumayag na ang dalaga sa set-up nila. At mabuti na lang talaga, dahil kung sakali mang patuloy itong humindi, wala na siyang magagawa kundi ipilit ang sarili niya rito. He wants her so bad—so, so bad that not having her around makes him go crazy. Ibang-iba ang epektong dala ng dalaga sa kanya. Ngayon ay naiintindihan na niya si Damian. At first