KABANATA 4 “Congratulations!” Iyon ang mga salitang bumungad sa akin at kay Mr. Muller nang lapitan kami ng lolo niya pagkatapos na pagkatapos ng seremonya. Kaytamis ng ngiti na ibinibigay nito sa amin pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag. “You look good in your wedding suit, hijo,” dagdag nito sabat tapik sa balikat ng kanyang apo. Pagkatapos ay bumaling naman ito sa akin. “You have such a beautiful bride. What’s your name, hija?” “A-Ah, Kristine po,” sagot ko at pasimpleng tiningnan si Mr. Muller nang maramdaman ko ang paninigas ng kanyang braso kung saan ako nakahawak. “Kristine,” ulit nito sa pangalan nito. “Uriel. Both of your names sound angelic,” dagdag nito at muling ngumiti. “Heaven sent, don’t you agree?” Tanging ngiti lang ang isinagot ko rito dahil hindi