Ayaw pa sanang lumabas ng silid si Santa pero napilit siya ng kaibigang si Lailani, besides gutom na rin siya dahil pinanindigan talaga niyang huwag lumabas at kumain ng tanghalian. "Beshy, hindi makakabuti sa 'yo kung makikipagmatigasan ka kay Tita Celia, higit kaninuman ay siya ang kakampi mo sa laban mong ito," payo ni Lailani sa kanya. Alam niya naman 'yon pero masama lang ang loob niya rito dahil sa mangungumpiska nito ng kanyang cell phone dahilan upang hindi matawagan si Leon. Nang sumagi sa isipan si Leon ay naalala niyang may cell phone ang kaibigan na pwede niyang hiramin upang ma-contact ito. "D-Dala mo ba ang cell phone mo?" usisa sa kaibigan. "Bakit?" maang nito. "Basta!" giit hanggang sa ilabas ng kaibigan ang de-keypad pa rin nitong cell phone mula sa bulsa ng pantalon