Paglabas ni Santa mula sa silid ay nakitang namumukod-tangi ang ganda sa suot nitong mini floral dress kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng matamis. "You're more beautiful than the morning, my love," hindi mapigilang turan ni Leon habang nilalapag sa mesa ang kalulutong ham and sausage. "Thank you, babe," nakangiting tugon naman ni Santa, talagang pinag-isipan niya at nakatatlong palit siya para masiguradong napakaganda niya sa paglabas nila. "Have a seat," ani Leon sabay hila ng upuan para kay Santa. "Salamat, babe," ani Santa sa kasintahan dahil napaka-caring at sweet nito. "No need to mention, babe, lahat ay gagawin ko para mapagsilbihan ka," bulalas ni Leon na nagpangiti lalo kay Santa. "Oops, wait a sec," anito at nagmamadaling binalikan ang nakasalang na stir fry vegetable ric