Matapos ang mainit na sandali ay agad na umalis ang gobernador dahil kanina pa ito tinatawagan ng kanyang asawa. Tig-isang sobre sila ang iniwan nito bago umalis. Kapwa pa rin hubad ang magkaibigan habang nasa ilalim ng kumot at humihithit ng sigarilyo. Mabilis na nilagay ni Margeaux ang upos ng sigarilyo saka kinuha ang sobreng laan dito. Napangiti ito ng maluwag nang makita ang nilalaman ng sobre. Hindi rin nagtagal ay ibinaba rin ni Brittany ang upos ng sigarilyo nito saka kinuha ang kanyang sobre at katulad ng kaibigan ay napangiti rin siya. "Well, not bad," komento niya. "Yeah, kaya nga hindi ko magawang iwan 'yan dahil galante magbigay," sagot naman nito. Nagtinginan silang magkaibigan sabay ngiti at kapwa iisa ang nasa isip, ang magpunta sa mall at mag-shopping. Sabayan silan