Nabalot ng pangamba ang dibdib ni Celia habang isinasakay ni Marlon ang walang malay na si Santa sa loob ng owner-typed jeep nito. "Kumalma ka mahal, magiging maayos din ang anak mo," ang pagkakalma pa ni Marlon sa kanya bago nito buhayin ng sasakyan nito. "Paano kung bumalik ang dati niyang sakit? Baka hindi ko kayanin kung may mangyaring hindi maganda sa kanya?" bulalas ni Celia bagay na hindi naman umimik si Marlon dahil natuon ang buong atensyon sa daan, medyo may namumuo kasing trapiko at ginagawan nito ng paraan upang mauna sila. Hindi naman nagtagal ay pabungad na sila sa isang pampublikong ospital. "Ipanatag mo mahal, magdasal ka lang sa Diyos na sana ay walang masamang mangyari kay Santa," pagpapalakas ni Marlon sa kanyang damdamin. "Malapit na tayo sa ospital, idederetso ko n