Sa wakas ay dumating na rin ang araw ng pagtatapos nina Santa. Halos hindi siya makapaniwala sa kagandahang nakikita sa kanilang salamin matapos siyang ayusan ni Baklang Mario at isuot ang dress na regalo ni Leon sa kanya. "Ang ganda-ganda talaga ng anak mo, Celia, 'yan ang yaman mo na pwede mong ikayaman," hirit na naman ni Mario sa ina. "Hoy, Mario, hindi ko ibubugaw ang anak ko baka bumangon si Crisanto sa hukay at pagalitan ako!" bulalas namang sagot ng ina habang nagmemeryenda ang mga ito. Katatapos lang kasi siyang ayusan ni Mario. Tumawa ng malutong ang bakla. "Ayaw mo noon, bumalik ang asawa mo," natatawang wika nito. "Zombie naman," palatak ng ina. "Iyon lang," anito saka sila nagtawanan. Pumasok si Santa sa silid upang ayusin ang dadalhin niya, anumang oras ay aalis na sil