Chapter 39: Pinasok si Santa

1962 Words

Matapos ang mainit na usapan nila ni Leon ay nakatulog na rin sa wakas si Santa hanggang sa bigla siyang maalimpungatan nang makarinig siya ng ingay buhat sa labas. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata dahil agad na pumasok sa isipan ang kanyang ina. 'Baka dumating na sina inay,' aniya sa isip. Nag-obserba siya ngunit wala siyang marinig na anumang kumusyon kaya nagtaka na siya at tuluyang bumangon. 'May ginagawa na naman ba silang kababalaghan?' tanong sa isipan. Lalo na at dalawang beses na naaktuhan ang mga itong may ginagawang milagro. Unti-unting tumayo si Santa sa papag na kinauupuan ag marahang binuksan ang pinto ng silid. Nagulat siya ng makita ang isang lalaki na tila may hinahanap sa kanilang bahay. "H-Hindi sina inay ang pumasok?!" bulalas sa sarili saka mabilis na binalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD