Para bang nakaduyan sa alapaap si Santa matapos ang unang date nila ni Leon, hindi niya lubos-akalain na ganoon siya kikiligin sa kanyang ninong. Hindi tuloy maiwasang mag-imagine ni Santa kung paano mabuhay na kasama ito, siguro ay buhay prinsesa siya. Sa isiping 'yon ay mas lalo siyang nanabik na maging asawa ng kanyang ninong kaya pagkauwi at wala pa ang ina ay mabilis na nag-imis. Nilinis ang konting kalat sa kanilang bahay saka naglagi na sa kuwarto. Alas-onse na nang gabi pero wala pa rin ang ina kaya naisip na mag-text rito upang siguraduhing uuwi itong ligtas. Matapos magpadala ng text message sa ina ay naisip namang i-text si Leon kung nakauwi ba itong maayos. "Hey, babe, nakauwi ka na ba? Ingat ka lagi," malakas ang pagkakasabi habang itinitipa sa kanyang cell phone. Malali