Nang makarating sila sa hotel ay hindi na naman mapigilan ni Santa ang sarili na hindi humanga sa lugar na kinaroroonan. Maganda ang board and lodging na pinagdalhan sa kanya ni Leon dahil tila napakalapit niya sa nature. Kung gaano nasasabik si Santa ay ganoon naman kaapektado pa rin si Leon sa sinabi ng dating kasintahan nito. Kilala niya si Brittany at lahat ay gagawin nito makuha lamangang gusto at mukhang gagamitin pa si Santa para bumalik siya rito. "Hindi ako makapaniwala, ganito pala rito sa Baguio?" bulalas ni Santa kay Leon na noon ay tahimik na tahimik. Nang mapansin niyang hindi pa rin ito naimik buhat ng matapos silang mag-usap ng kanyang ex-girlfriend. "Ayos ka lang ba, babe?" untag niya kay Leon. "Ha? A, uhmmm, oo ayos lang ako," tila nabibigla pang sagot nito. Batid ni