Habang naghihintay sa lobby ng condo unit ni Leon ay hindi mapakali si Brittany, alam niyang sa sandaling 'yon ay mahihita siya hinggil sa babaeng nais niyang malaman kung saan nagmula. Panay ang lingon sa tuwing magbubukas ang elevator at may lalabas mula roon. Magdadalawang oras na siyang nakaupo roon at medyo napapatingin na sa kanya ang bodyguard at dalawang babaeng conceirge ng condominium building. Tumunog muli ang elevator at nang lingunin ay laking dismaya dahil mukhang mauuwi sa wala ang dalawang oras niyang paghihintay na lumabas sa lungga nito ang Santa na 'yon nang maya-maya ay may pares na pumasok sa kinaroroonan at dumeretso sa mga babaeng conceirge. Lalong naging interesado siya sa pares nang marinig na sinabi ng babae ang pangalan ni Leon. Agad na tiningnan ni Brittany