Nagtungo sa palengke si Santa dahil mamimili siya ng kailangan nila sa bahay at kailangang diaper ng anak. Palabas na siya noon sa maliit na grocery sa kanila nang makasalubong ang hindi inaasahang tao, ang dating kaibigan na tila iniiwasan na siya mula noong pumasok ito sa kolehiyo. Napatigil siya habang pinagmamasdan ang kaibigan, hindi pa kasi siya nito nakikita. Nakitang malaki na ang pinagbago nito, mukhang umangat-angat na ito sa buhay ayon sa kilos at galaw ito. Hindi nagtagal ay nakitang luminga-linga ito, marahil ay naramdamang may nakamasid sa kanya hanggang sa magtama ang kanilang paningin. Napatigil rin ito nang makita siya. Hindi man inaasahan ni Santa ang pagkikita nilang 'yon ng dating kaibigan lalo na at halos mag-iisang taon na rin yatang iniwasan siya nito. Nagpalit di