Pagkauwi nina Leon at Girlie ay nabigla sila nang makitang kalaro ng anak ng una si Brittany. "Mommy look, she give me this toys," mabilis na wika ng bata sa ina nito. May kalakihang doll house 'yon kaya marahil ay hindi nakahindi ang kanyang anak. "Okay, sweetheart, time for you to shower," ani Girlie saka niyaya ang anak sa ikalawang palapag ng bahay upag magtungo sa silid nila. Naiwan sina Leon at Brittany sa sala. "Hey, how you feelin'?" nakangitig usisa ng babae kay Leon. "I'm good, thanks," saad ni Leon. Sa totoo lang ay hanga siya sa determinasyon ni Girlie dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na babalikan niya. "Brit, hindi ka pa ba napapagod?" hindi maiwasang itanong dito. "What do you mean?" maang nitong tanong nang hindi makuha ang ibig sabihin ng kanyang sinabi.