Napabalikwas ng bangon si Santa nang mapagtantong nakaidlip pala siya matapos ng hot and wild s*x nila ng nobyo. Agad niyang hinanap si Leon sa loob ng silid, maging sa banyo ngunit wala ito hanggang sa mapansin ang note na nasa side table kung saan naroroon ang cell phone nito bago siya nakatulog. Mabilis na binasa ang note at doon ay nakumpirma na wala roon ang nobyo dahil nakipagkita raw ito sa kaibigang si Wilson. Napapabuntong-hininga na lamang si Santa nang pukawin siya ng pagkatok sa may pinto kaya mabilis na hinagilap ang oversize tshirt na hinubad ni Leon kanina. Nakita niya ito sa sofa sa gilid ng kama kasama ng mga pajama ni Leon. Muling kumatok ang nasa labas. "Ma'am, gising na po ba kayo?" tinig ng isang babae. "Yes, saglit lang," aniya ba nilakasan upang marinig nito. M