Natural na nanlaki ang mga mata ni Leon nang makita ang larawang ipinadala ni Santa sa kanya. Agad naman siyang nakabawi at napailing sabay ngiti na lamang ngunit nang balingan ang kaibigan ay nakamasid pala sa kanya. Mabilis na pinatay ang kanyang cell phone bago pa ito ma-curious at baka makita ang larawan. Mahirap na at baka isipin nitong inakit lang siya ng nobya kaya nahulog siya rito. "What is it?" dinig na usisa ni Wilson na hindi napigilang magtanong. "Wala, uhmmm," aniya na nag-iisip pa ng idadahilan. Agad namang nasingit sa isipan ang dating kasintahang si Brittany kaya nasambit ang pangalan nito. "Si Brittany," aniya. "What about her? Bakit nga ba hindi mo na lang siya balikan, sa lahat ng ipinakilala mong babae sa 'kin, sa kanya ako pinakabuto," anang ni Wilson. "Parang an