Napangiti ng matamis si Santa nang magisingan ang tulog na tulog pa ring si Leon. Lasing na lasing ito kagabi at natapos siyang hilain payakap sa matitipunong dibdib nito ay bigla na lamang humilik. Umupo siya sa tabi nito at tumunghay sa guwapong mukha nito. Giliw na giliw siyang pinagmamasdan ito nang bigla nitong idilat ang kanyang mga mata at mahuling pinagmamasdan ito. "Good morning," nakangiting bati kay Leon. "Good morning too, beautiful," tugon naman ni Leon na mas lalong nagpaganda ng mga ngiti ni Santa. "Mukhang nawala na ang tampo ng babe ko sa 'kin, a," palatak ni Leon nang masilayan ang magandang ngiti sa labi ni Santa. Nang marinig nito ang hirit ay bigla itong bumusangot dahilan upang magsisi sa kanyang sinabi. "Oops, mukhang natatampo pa," anang na pabiro. "Nakakaini