DEAL XYRELLE GRACE VERNAULA MATAPANG na naglakad palapit si Xyrelle sa mga kalalakihan. Kumakabog man ang kanyang dibdib sa takot at kaba ay hindi niya hinayang lamunin siya ng mga iyon sa oras na ito. She must protect Barrett at all cost. Hangga't wala pang nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng lalaking ito at ni Elixir ay hinding-hindi niya ibibigay si Barrett. "Ano pong kailangan nila?" tanong niya kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod sa kaba. Ngumiti ang lalaki ngunit mas lalo iyong naghatid ng takot sa kanya. Hindi kasi iyon normal na ngiti, kakaiba iyon na parang may gusto itong mangyari na ikapapahamak niya. "I said, I'm going to be back one of these days, right? Bakit? Wala pa rin ba si Elixir, Xyrelle?" sambit nito. The way he pronounced her name is menacing and it gave he