NECKLACE XYRELLE GRACE VERNAULA TANGHALI na nang magising siya. Kaagad na bumangon siya sa kama nang mamulatang wala na naman si Elixir sa tabi niya. Nalanghap ni Xyrelle ang mabangong amoy na na nagmumula sa kusina kaya't alam niya na kaagad kung nasaan ang binata. Mabilis siyang nagbihis at nagtungo sa kusina at tama nga ang kanyang hinala, nandoon nga si Elixir. Seryosong-seryoso ang itsura nito habang nagluluto ng kung ano. Himalang hindi na nito ka-video call ngayon si Archer na lagi nitong kausap kapag magluluto ito. "Good afternoon," malambing na bati niya sa binatang mabilis na lumingon sa kanya. Mabilis na rumehistro sa mukha nito ang isang makalaglag pusong ngiti na kaagad ikinakapos ng kanyang hininga at ikinawala ng kanyang puso. "Hey," bati nito pabalik sa kanya saka nagm