BEAUTIFUL SCARS XYRELLE GRACE VERNAULA A distant and soft singing and playing of guitar woke Xyrelle up from her deep slumber. Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga mula sa malambot na kama. She's spent yet she feels happy, satisfied, and contented. Ilang araw na silang naroon sa isla ni Elixir at sa bawat araw na dumaraan ay pinatutunayan nitong karapat-dapat ito sa pagkakataong ibinigay niya. Inaalagaan siya ng binata, ipinagluluto sa tulong ng pinsan nitong si Archer, inaasikaso, at higit sa lahat pinapasaya. Mabilis na dinampot ng dalaga ang damit na nakakalat sa sahig, it was Elixir's. Mabilis niya isinuot iyon bago kusutin ang mga mata at itali ang mahabang buhok. Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng isang basong tubig saka sinundan ang pagtugtog na nagmumula sa labas. Nat