Pakiramdam ni Jheann ay isang malakas na bomba na sumabog sa harapan niya ang mga sinabing iyon ni Jared. Simula pa lang kanina nang sabihin nito na alam na nito ang sikreto ng buong pamilya nila ay para na siyang binagsakan ng langit. Iyon pa naman ang pinakainiingatan niyang malaman nito dahil siguradong hindi ito basta mananahimik lang. Lalo pa at alam na rin pala nito na anak nila si Hope. Pero paano nalaman ni Jared ang tungkol kay Hope? At kailan pa nito nalaman na anak nila ito? Oo, alam ni Jheann na naghinala na noon si Jared. Pero hindi ba at bigla nito iyong binawi? Sinabi pa nga nito na hindi na raw ito interesado tungkol kay Hope. Ngunit hindi na muna mahalaga sa ngayon kung paano nito nalaman ang katotohanang iyon. Mas importante na malaman ni Jheann kung paano nalaman ni J

