Parehong walang imik sina Jheann at Jared nang maiwan sila sa malawak na hardin ng kanilang mansiyon. Nakatayo siya at naka-crossed arms habang animo'y nakatingin sa mga nagagandahang halaman. Kahit ang totoo naman ay wala roon ang kaniyang isip at atensiyon at lumilipas kung saan. Kahit si Jheann man ay hindi kayang hagilapin ang kaniyang sarili sa mga oras na iyon. Masiyadong marami ang mga sikretong nabunyag, at natuklasan niya nang araw na iyon. Para iyong marami at malalakas na bomba na sabay-sabay na sumabog sa iisang lugar at pagkakataon. Pakiramdam niya ay hindi niya iyon kakayanin. Tila sasabog ang kaniyang puso at isip sa sobrang bigat at dami niyon. Idagdag pa ang pag-aamin ni Jared tungkol sa lihim na pagpapa-DNA test nito kay Hope. Iyon ang ginamit nitong alas para makuha a

