Chapter 117

1906 Words

Nine months later... Kanina pa pabiling-biling sa higaan niya si Jheann pero hanggang ngayon ay gising pa rin siya. Nahihirapan siyang humanap ng magandang puwesto kaya hindi siya makatulog. Magsisiyam na buwan kasi ang tiyan niya at mas malaki iyon kumpara noong ipinagbubuntis pa lang niya si Hope. Kaya madalas ay hindi siya komportable sa paghiga. Lalo na kapag wala sa tabi niya si Jared para tulungan siyang makatulog. Katulad ngayon. Gabi na pero wala pa rin ito dahil may kailangan daw tapusin sa opisina. Baka raw late na ito makauwi. At dahil bawal naman magpuyat si Jheann kaya wala siyang choice kundi ang patulugin nang mag-isa ang sarili. Kahit hindi na niya alam kung paano makatulog agad. Naiinis tuloy siya. At siguradong katakot-takot na irap na naman ang aabutin sa kaniya ni Ja

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD