Umaga pa lang ay naramdaman na ni Jheann na madalas nang humilab ang kaniyang tiyan. Alam niya na senyales iyon na malapit na siyang manganak. Kaya agad na siyang nagpagayak para makapunta ng ospital. "Ayokong mag-labor sa mismong biyahe, love. Kaya pumunta na tayo ngayon," wika niya kay Jared. "Gano'n din kasi ang ginawa ko noong manganak ako kay Hope, eh." Hinihimas niya ang kaniyang tiyan habang nagpapaliwanag. Nakaramdam na rin siya ng walang tigil na pangangawit sa kaniyang balakang. "Okay, love. Hindi na muna ako papasok. Aayusin ko muna ang mga dadalhin natin. Teka..." Natataranta na binuksan nito ang drawer, "nasaan na nga ba 'yong listahan ng mga kakailanganin mo sa panganganak?" Hindi ito magkaundagaga sa pagbuklat ng mga laman sa drawer. Nagkandahulog-hulog pa ang iba dahil s

