MATAGAL nang nakaalis si Jheann pero nakasandal pa rin sa pintuan habang nakasalampak sa sahig si Jared. Napakamiserable ng pakiramdam niya nang mga oras na iyon. Feeling niya ay nakapahina at walang kuwentang tao siya gayong nasa kaniya na ang lahat. Dahil ang lahat ng mayroon siya ngayon, lalo na ang kaniyang pera at kayamanan na madalas niyang gamitin bilang kapangyarihan ay tila sa isang iglap lang ay nawalan ng saysay. Dahil hindi naman niya iyon magagamit para makapiling ang anak at makabuo ng isang pamilya. Iyon ang sumpa sa pagiging miyembro ng The Sky. At lahat sila ay iisa ang pinagdadaanan. Kaya karamihan sa mga kakilala niya ay hindi na nag-aasawa. Natakot nang magkaanak at maipasa ang sumpa na iyon. Ganoon din naman ang gusto sana niyang mangyari noon kung hindi lang nagkrus

