EPILOGUE-Last Episode

1249 Words

Sa bawat paghakbang ni Hope papunta sa naghihintay niyang groom na si Axel sa dulo ng aisle ay ang paglandas ng kaniyang mga luha. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagluha nito habang pinapanood siya na dahan-dahang naglalakad. Wari ay may mainit na kamay ang humaplos sa puso ni Hope dahil sa nasaksihan. Nagpapakita lang iyon kung gaano rin ito kasaya na sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahinihintay nila. At iyon ay ang maikasal sila sa isa't isa. Apat na taon na silang magnobyo ni Axel bago ito nag-propose ng kasal na agad namang tinanggap ni Hope. Simula pa lang noong una niyang makilala ang binata ay wala na siyang ibang gustong maging asawa kundi ito. Kaya nga hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa nang yayain siya nito ng kasal. Wala na rin naman nang hahanapin

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD