Punong-puno ng mga bisita ang malawak na bakuran ng mansiyon ni Bernard. Sunod-sunod ang pagdagsa ng mga kaibigan nito, kamag-anak at mga simpleng kakilala na inimbita ng mag-asawa para dumalo sa binyag ng bunsong ng mga ito. Sina Jared naman ay nakaraang araw pa dumating para makatulong sa paghahanda. Nalaman kasi nila na totoo ngang simpleng babae lang ang napangasawa ni Bernard. Sa tuwing may handaan daw sa pamilya ay bihira itong magpa-cater. Ito mismo ang nag-aasikaso, kasama ang mga kapamilya at mga kaibigan. "Ganito talaga kami dito, Mareng Jheann. Tulong-tulong kapag may handaan," natutuwang pagmamalaki ni Clara habang tulong-tulong silang gumagawa pa ng macaroni salad dahil naubos na ang isang batya na ginawa nila kagabi. 'Mare' na ang tawagan nilang dalawa dahil inaanak na ni

