DAHIL labis siyang nasaktan sa nangyari kanina sa loob ng shower ay hindi na lumabas ng kuwarto si Jheann kahit gutom na gutom na siya. Sigurado kasing naroon si Jared. Simula kasi kanina nang lumabas ito ng banyo ay hindi na ito bumalik. Pero nang sumilip si Jheann sa bintana ng kaniyang kuwarto ay kompleto lang ang lahat ng sasakyan nito, senyales na hindi ito umalis. Hindi pa siya handang magkaharap uli sila pagkatapos ng nangyari. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Jheann sa kaniyang puso ang kirot na animo'y tumagos kahit sa pinakamaliit na parte niyon. Idinaan na lang niya sa iyak ang gutom, frustration, lungkot, at sakit na nadarama. Halo halo na ang emosyon na nararamdaman ni Jheann at hindi na niya alam kung saan pa niya iyon ilulugar. Idagdag pa ang sobrang pangungulila niya

