INAASAHAN na ni Jheann na hindi sa pagpapalayas sa kaniya sa master's bedroom at paglipat sa katabing kuwarto nito magtatapos ang pagpapahirap sa kaniya ni Jared. Kaya nga nang kinabukasan ay hindi na siya nagulat nang ipatawag siya nito sa opisina nito sa bahay na iyon. Siguradong may binabalak na naman itong hindi maganda. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Jheann bago kumatok sa pintuan. Nakailang katok pa muna siya bago niya narinig ang baritonong boses ng asawa. "Come in." She shut her eyes before opened the door. Sumalubong sa kaniya ang malawak at maayos na opisina ni Jared. Simple lang ang loob niyon at wala gaanong palamuti bukod sa mga paintings na mamahalin at mga picture frames kung saan nakalagay ang mga achievements nito bilang isang CEO. Naalala pa

