SA sobrang pagod kaya hindi namalayan ni Jheann na nakatulog pala siya. Nagising na lang siya na wala na sa tabi niya si Jared. At mukhang pumasok na ito sa trabaho dahil wala na roon ang attache case na lagi nitong dala sa pagpasok. Malungkot na napasinghap si Jheann. Talagang balewala lang kay Jared iyong mga nangyari sa kanila dahil umalis ito na hindi man lang nagpaalam. Sa bagay, wala namang pinagsisisihan Jheann dahil hindi naman siya sapilitang inangkin ng kaniyang asawa. Kusa siyang bumuka at nagpaubaya. Napabuntong-hininga nang malalim si Jheann bago niya naisipang bumangon mula sa kama ni Jared. Aktong babalikan niya sa banyo ang mga saplot. Doon niya kasi naalala ang mga iyon na hinubad ng asawa mula sa kaniyang katawan. Pero nagulat na lang siya nang makitang maayos na naka

