KULANGna lang ay umusok ang mga gulong ng sasakyan ni Jared nang sumagitsit iyon sa biglang pagpreno niya nang makita niya ang isa sa kaniyang mga sasakyan na nakaparada sa tapat ng malawak na gate ng mga Smith. Iyon ang ibinilin niya kay George na ipagamit kay Jheann kapag umalis na ito. Kung gano'n na nandito ang sasakyan niyang iyon, ibig sabihin ay nasa loob ang kaniyang asawa at umalis na ito sa bahay nila. At nangangahulugan lang iyon na napawalang-bisa na ang kanilang kasal. Jared clenched his fists as pain suddenly striked his heart. Mas masakit pa yata ang mga nangyayari ngayon kaysa noong iniwan siya ni Jheann. Siguro mas masakit dahil hindi pa nga humihilom ang sugat ng kahapon, heto at may panibago na naman ngayon. Muling nanariwa ang sakit. At mahirap pigilan dahil wala na

