TUMAGILID ng higa si Jheann nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi naman siya natutulog at nagpapahinga lang siya. Pakiramdam kasi niya ay napagod siya pagkatapos nilang mag-usap ni Jared kanina. Pagod na pagod ang puso't isip niya. Inabot ni Jheann ang kaniyang cellphone na nasa side table. Patuloy iyong nag-ri-ring at nakita niyang unknown number ang lumabas. Pero dahil hindi niya nakasanayang sumagot ng tawag mula sa hindi kilalang numero, para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya, kaya hinayaan na lang niya na tumunog nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hanggang sa tumigil iyon. Pero mayamaya ay tumawag uli. Hindi pa rin niya sinagot. Namatay na naman at saka tumawag uli. Hindi na niya mabilang kung ilang beses iyong nag-ring at tumigil hanggang sa napagod o nagsawa na yat

