INAASAHAN na ni Jheann na pagkatapos ng kasal ni Jared ay walang celebration na magaganap. Dahil para dito ay isang laro lang naman ang kasal nilang iyon, eh. Kung mag-celebrate man siguro ito, iyon ay ang ipagdiwang ang pagkapanalo nito. Kaya nga hindi na nagulat si Jheann nang paglabas nila ng city hall ay nauna nang umalis ang kanilang mga witness. Hindi rin sila sinundo ng driver nitong si Harry. Nagtataka pa siya kung bakit dinala siya ni Jared sa malawak na bakanteng lote na katabi ng city hall. Walang imik na nakatayo lang sila roon at tila may hinihintay ang asawa. Kahit naiilang man ay nagawa pa rin niya itong kausapin at hingan ng pabor. "Jared--" "Mr. Salvador nga, 'di ba?" masungit na baling nito sa kaniya. "Ilang beses ko bang ipaalala sa'yo 'yon? Hindi porke't mag-asawa na

