"AALIS ka?" tanong ng ina ni Jared nang sa paglabas nito ng elevator sa mansion nito ay naabutan siya sa sala na bihis na bihis. "Yes po, Ma. May kailangan kaming puntahan ni George." "Pero kadarating mo lang kagabi, ah." Napasimangot ang ina. "Akala ko pa naman may makakasabay na uli ako sa pagkain." "Nandiyan naman sina Harry at Ate Dorris." Ang huli ay isa sa maraming kasambahay ng kaniyang ina na isa ring Pinay. "Sinabihan ko na sila na lagi kang sasabayan sa pagkain." "Lagi ko naman talaga silang kasabay. Pero iba pa rin kong ikaw ang kasabay ko," reklamo ni Mama Linda. "Nami-miss na kitang kakuwentuhan, eh." Nilapitan ni Jared ang Mama niya at naglalambing na inakbayan ito. "I'm sorry kung palagi na lang akong busy, Ma. At kung palagi na lang akong umaalis..." Kung puwede nga l

