Para makaiwas sa maraming tao at sa posibleng mga spy ng The Sky ay napagkasunduan nina Jared at Nicolo na sa labas ng siyudad sila magkikita. Hindi rin pumayag si Ralph na may ibang INTERPOL ang haharap sa kanila kaya solong makikipagkita sa kanila si Nicolo. Kahit ilang beses pang sabihin ni Jared na kakampi at mapagkakatiwalaan nila ang INTERPOL sa London. Malapit na sila sa meeting place nila ni Nicolo nang mapansin ni Jared ang itim na sasakyan na kanina pa nakabuntot sa kanila. Masama ang kutob niya pero hindi na muna niya sinabi kina Ralph at Oliver na abala sa pag-uusap. Siya kasi ang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Nag-iba na lang siya ng daan para malaman niya kung susundan pa rin sila ng sasakyan na iyon. Nakahinga lang siya nang maluwag nang dumiretso ito at nakarating si

