Two years later... Lancaster, Lancashire, England "DADDY, is it true that this castle was damaged when Scots invaded England in 1322 and 1329?" Napangiti si Jheann nang marinig ang tanong ni Hope sa ama nito habang namamasyal sila sa isa sa maituturing na historic buuldings sa English country, ang Lancaster Castle na isang medieval na kastilyo. Isa na ito sa naging paboritong pasyalan ni Hope simula nang lumipat sila sa katabing siyudad ng Lancaster, ang Mcbethtown, para magtago at umiwas sa impluwensiya ng The Sky. Noong araw na nakipagkita sina Jared sa kaibigan daw nitong si Nicolo Gonzales na isang INTERPOL agent ay doon na nagsimulang guluhin sila ng organisasyon. May isang kaibigan daw kasi si Ralph ang nagtraidor at nagsumbong sa The Sky na matagal ng balak ng kapatid niya na

