"You're so lucky in having a very beautiful and young wife, Mr. Smith," narinig ni Jheann na puri sa kaniya ng kausap ni Oliver. Binalingan pa siya nito na may purong paghanga sa mga mata. Halatang totoo sa loob ang pagpuri sa kaniya ng babae na kilala ring mayamang negosyante sa buong Europa. Hindi katulad nang iba na kapag sinasabing masuwerte raw si Oliver dahil nagkaroon ng maganda at batang asawa ay may kasama na sarcasm. Hindi naman lingid kay Jheann na hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga taong nakapaligid kay Oliver ang hindi siya tanggap at tingin lang sa kaniya ay isang social climber at gold digger. Pero hindi iyon gaanong dinadamdam ni Jheann dahil walang kasawaang ipinagpatatanggol naman siya ni Oliver. At totoo rin naman kasi na mukha siyang pera. Kahit dati pa ay amina

