ARAW ng Friday, ngayon ang araw kung kailan kami dadalaw sa mga batang nasa liblib na lugar katulad ng mga nasa bundok, sila ang mga batang walang kakayahan na mag-aral at makababa sa Bayan para makapag-aral nang maayos. Tuwing hapon ay umaakyat kami sa Bayan ng Sinta — ang bayan na nasa pinakadulo ng kabihasnan. Aakyat kami ng hapon at mananatili kami roon hanggang sa Lunes ng umaga. Gano'n ang always kong ginagawa dahil nasa bokabularyo ko ang tumulong sa mga batang kapos sa palad na makapag-aral. Kaya nga teacher ang kinuha ko dahil ito platapormang gusto. "Miss Cruz, aakyat ka na ulit?" sigaw ng co-teacher ko na si Sir Fidel. Ngumiting tumango ako sa kanya. "Yes po, sir Fidel! Aakyat para po makapagturo sa mga bata roon!" sabi ko sa kanya. Alam naman nila ang adhikain ko, kaya