NANINGKIT ang aking mga mata habang nakatingin pa rin sa lalaking nakatayo sa gilid ng Barangay hall, sila ang kasabayan namin ngayon sa outreach program this week. “Hey, namumukhaan ko iyong dalawang lalaki sa makakasama natin, Helena! Hindi mo ba sila namumukhaan, ha?” mahinang tanong sa akin ni Edward. Nakatayo pa rin kami rito at magpapakilala naman kami bago umakyat sa pinaka-bayan ng Sinta. Napatingin ako kay Edward at dahan-dahan tumango sa kanya. “Oo, iniisip ko kung saan ko siya nakita pero hindi pumapasok sa isipan ko,” mahinang sabi ko sa kanya. “Hey, basketball player sila. Sorry kung sisingit ako sa usapan niyo, Sir Edward and Miss Helena. Pero, baka sa television niyo lang sila nakikita. Sikat silang mga basketball sa Pilipinas,” singit na sabi ni Miss Jewel sa amin.