PUMASOK na ako sa loob ng kubo na tutuluyan namin ng ilang araw, naabutan ko pa rin doon ang tatlong babae. "Hello, ikaw si Miss Helena, right? Nice to meet you!" saad ni Victoria sa akin, kilala ko na ang name and face nila kaya hindi na ako mahihirapan na kilalanin sila. Ngumiti ako sa kanilang tatlo. "Ah, yes, p'wede namang Helena na lamang ang itawag niyo sa akin," saad ko sa kanila. Nilagay ko ang camping bag sa taas ng double deck na ito, gawa ito sa makapal na kahoy na ginawa ng mga tao rito. Tatlong double deck ang mayro'n dito kasi limang kaming mga babae, kaya ngayong araw ay magagamit din nina Mariel, Nichelle and Victoria. "By the way, nalaman kong volleyball player pala kayo? Narinig ko lang sa isang kasamahan niyo," sabi ko sa kanila habang inaayos ang aking teaching m