Mandy's POV] "Sabi ko na nga ba at darating ka. "Mataas ang kumpiyansang salubong sa akin ni Madam Chi. "Pwede ko po bang malaman kung anong klase ng trabaho ang ibibigay ninyo sa akin? " Alam kong hindi ko magugustuhan kung ano man iyon pero interesado akong malaman. Hinagod pa muna ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Masuwerte ang gabing ito, napakaganda mong bata at sigurado akong pagkakaguluhan ka ng aking mga kliyente." Malayong sagot nito sa tanong ko na lalong nagpagulo sa isip ko. "Hindi ko na aalamin kung taga saan ka at kung ano ang pangalan mo dahil dito sa lugar ko safe ang iyong identity isang gabi lang tayong magkikita at pagkatapos nuon ay parang walang nangyari you will earn big amount of money in just one night, the privilege that only beautiful woman