[Mandy's POV] Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ang sabi ng doktor na tumitingin kay Mama ay kailangang maoperahan na siya sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay baka ito ang maging sanhi ng pagkamatay niya. Patuloy lang ang pag agos ng aking mga luha hindi ako makapag isip ng maayos, nanginginig parin hanggang ngayon ang mga tuhod ko sa takot. "Tama na yan Miss Mandy kumalma ka muna makakahanap din tayo ng solusyon sa problema mo. " Pang aalo sa akin ni Jenny, nagpapasalamat ako at hindi niya ako iniwan, sinamahan niya ako hanggang sa madala si Mama sa emergency room. "Paano na Jen? Kailangan ko ng three hundred thousand pesos para masimulan na ang operasyon ni Mama, wala kaming ganuon kalaking halaga. "Bakit hindi ka humingi ng tulong sa Tita Pia mo, kung