Chapter 19

1433 Words
Isa isang inalis ni Pierce ang kasuotan ng asawa habang patuloy na inaangkin ang mga labi nito. Mga halik nilang nag-aalab at mga katawan na nangungulila sa isa't isa. "Hailey.." Sambit ni Pierce na punong punong ng emosyon habang naghahabol sila pareho ng hininga. At kalaunan ay tuluyan ng nawala ang mga saplot nila sa katawan. Tanging mga halinghing at ungol ang nagsisilbi nilang mga salita upang iparating sa isa't isa ang nararamdaman. Tuluyan ng inangkin ni Pierce ang asawa na siya naman buong pusong nagpaubaya. Makalipas ang paulit ulit na pag-angkin ni Pierce ay saka pa lamang niya naalala na hindi pa nga pala kumakain ang asawa. Subalit ng matingnan niya ito ay mahimbing ng natutulog habang yakap-yakap niya. Tiningnan niya ang oras at mag aalas-dose pa lang ng madaling-araw. "Hailey.." Sambit ni Pierce habang hinahaplos ang mapulang labi ng asawa. "Babe.." Tawag niya ulit na tila ay nagagayuma siya habang nakatitig kay Hailey. "Hmmm.." sambit ni Hailey at gumalaw saglit subalit bumalik ulit sa pagtulog. Hindi na pinilit pang gisingin ni Pierce si Hailey at hinayaan na lang na matulog. Alam niyang sobrang napagod ang asawa. "Hindi mo alam kung gaano ako natakot kanina na baka may masama ng nangyari sayo." sambit ni Pierce habang naiisip ang nangyari sa resto na pinagsaside line-an ni Hailey. Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa asawa at ipinikit na ang mga mata. Bandang alas-kwatro palang ng madaling araw ay nagising si Hailey. Napangiti siya ng makita ang asawa na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang yakap yakap siya. Marahan niyan inaalis ang pagkakayakap nito at bumangon. Tumungo siya ng banyo upang umihi. Maya-maya ay bumalik siya ulit upang maligo at pagkatapos ay nagbihis. Hindi na muna niya ginamit ang blower at pinatuyo na lang ang buhok gamit ang tuwalya upang hindi magising ang asawa. Dahan-dahan ang mga kilos upang hindi ito magising. Tumungo siya ng kusina at sinimulan initin ang nilutong ulam kagabi ni Pierce na Pork Sarciado. Naghahanda narin siya ng mga kailangang condiments para sa kanin dahil isasangag niya ito. Alam ni Hailey na masyado pang maaga subalit ngayon ang araw ng Acquaintance Party at Battle of the Bands nila kaya kailangan niya maghanda ng maaga. Bago ang twelve ay aalis siya at tutungo sa condo ni Alwina upang doon magready ng susuutin at napilit siya nina Alwina na sila ang mag make-up sa kanya. Sina Jax naman ay dadaan din sa bahay nina Alwina upang lahat sila ay sabay sabay pumasok. Hailey POV: Isinuot ko ang Airpods ko upang pakinggan ang kakantahin namin mamaya habang nagsasangag ako. Napapiksi ako ng may mga kamay na yumakap sakin mula sa likuran. "Pierce!" Sambit ko naman habang humaharap sa kanya. "Akala ko umalis ka.." Kita ko ang takot sa mga mata niya. "Nagluluto lang ako. Eh di ba nga may isa diyan na nagluto pero hindi ko man lang natikman kagabi." Pairap kong sabi sa kanya at ngumiti. Bumalik naman sa pagiging pilyo ito. "Babe.. mas masarap ka kasi kaysa sa niluto ko." Saad niya sabay halik sa akin. Namula naman ako sa sinabi niya. "Bolero!" "Hahaha! Kelan ako naging bolero? Teka ako na diyan. Umupo ka na muna doon." "Hindi na. Madali lang nam-" At ayun na nga binuhat niya ako patungo sa may upuan at iniupo. "Ako na babe. Okay? Alam ko gutom kana." Sabi sa akin ni Pierce habang kinuha sa akin ang Spatula na hawak ko at tumungo sa sinasangag kong kanin. Pinagmasdan ko naman siya habang nakatalikod. Nakasuot lamang ito ng short. "Mag-apron ka kaya." Utos ko. Baka kasi matalsikan siya ng hinahalo halo niya. "Hindi na kailangan babe. Saka mas okay ang ganito mas sumasarap ang niluluto." "Tss.. ang daming alam na kalokohan." "Haha! Saglit na lang ito at okay na to. Gutom ka na ba?" "Hindi pa naman ako masyadong gutom. Gusto mo ba ng kape? Magtitimpla ako?" Sabi ko naman. "Gusto mo ba talaga malaman kung anong gusto ko?" Pilyong nakangisi si Pierce na tumingin sa akin. "Nope. Hindi na pala." "Hahaha!" Isang hagalpak na tawa ang narinig ko sa kanya. Natatawa narin ako sa kanya. Masaya kaming nag-almusal. At nabusog ako sa masarap na luto ni Pierce. "Babe.. What time ka pupunta ng school?" Tinapos ko muna magtoothbrush bago sumagot. "dapat by ten ako aalis dito kasi dadaan ako kanila Alwina." "Alwina? Sino yun?" Inirapan ko siya. "Pierce, hindi lang dalawang beses mo siyang nakaksalamuha tapos hindi mo siya maalala?" Tanong ko habang papalabas ng banyo at siya naman ay tinapos ang pagtotoothbrush. "Babe, sino yun?" Tanong ulit ni Pierce ng makalabas siya ng banyo at ako naman ay kasalukuyan tinitext sina Jax. Si Austin naman ay hindi nagpaparamdam ni text or tawag wala akong natanggap simula ng araw na nagkakainitan sila ni Pierce. Hindi ko pa siya nakakausap pa ulit. "Yung matangkad na babae na kasama ko noong pumunta kami sa room niyo at yung nakakita sa atin sa may locker area." "Ahhh okay naalala ko na, yung transwoman. Tumango ako "Ihahatid na kita doon. Didiretso narin ako sa apartment ni Nigel pagkatapos at sabay na kami din tutungo ng eskwelahan." "Huwag na." "Sa ayaw o gusto mo ihahatid kita. Ayokong maulit ang nangyari kagabi." "Pierce umaga ako aalis hindi gabi." "Kahit na." Hays... habang tumatagal lalong napapalapit ang araw na mabibisto talaga kami. "Babe, umaga o gabi hindi natin alam kung kailan gagawa ng masama ang isang tao kaya mas mainam na ihatid kita." Nagsalita ulit si Pierce. "Okay." Mahinang sagot ko. Naiintindihan ko naman siya natatakot lang ako na baka malaman ng mga kaibigan ko at mabanggit kay kuya. Isang mabilis na halik sa mga labi ang iginawad sa akin bago siya tumungo sa closet niya at nagreready narin. Makalipas ang lagpas kalahating oras ay abala na ulit si Pierce sa laptop niya. Hindi ko pa nga pala siya nakakamusta sa pag-uwi niya sa Ilocos. Umupo ako sa sofa habang siya ay nasa may side table nagtatype sa laptop niya. "Pierce kamusta ang uwi mo?" Bumuntong-hininga muna ito. "Substandard ang pagkakagawa ng warehouse kaya papalitan namin ang contractor na nakuha namin." "Ganoon ba?" "Yeah.."Sagot niya habang isinara ang laptop saka tumingin sa akin. "Come here." Tawag niya. Lumapit naman ako. Pinaupo niya ako sa mga hita niya habang nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ako ng taimtim. Pakiramdam ko nanunuot sa kaibuturan ko ang mga titig niya. Hindi ako nagsasalita inaantay ko lamang ang sasabihin niya habang nakatitig kami sa isa't isa. Hanggang sa ilang sandalinpa ay tinawid niya ang pagitan ng mga mukha namin at ginawaran ako ng isang mabilis na halik, na naging dalawa at hanggang sa tuluyan na niya sinakop ang mga labi ko. Buhat niya ulit ako patungo kwarto habang ang mga paa ko ay nakayakap sa katawan niya at nakapulupot naman ang mga braso ko sa leeg niya. Inihiga niya ako sa kama namin. Hinahalik-halikan. "Pierce-" Napahinto siya sa paghalik sa leeg ko at sa paghubad sa pang-itaas na damit ko. Napatingin siya sa akin habang ang mga mata ay nagtatanong. Umiiling ako. "kailangan natin umalis ng ten." "And?" Tanong ni Pierce na nakataas bahagya ang kilay. "At ayoko mapagod. Baka hindi ako makapagfocus sa laban mamaya dahil pagod ako." "babe, isa lang." "Alam ko yang isa mo Pierce." Inirapan ko siya. "Hahaha!" Tawang sagot niya at biglang sumeryoso ang mukha. "Babe, may oras pa naman tayo. Pwede ka pang magpahinga pagkatapos." Nagsasalita si Pierce habang ang isang kamay nito ay gumagapang pababa ng katawan ko. "Pierce... seryoso ako." Isang mabilis na buntong hininga ang ginawa niya bago sumagot. "Okay." "Good luck nga pala mamaya." Sabi ko sa kanya. "Good luck din babe. I'm your number one fan." Natawa naman ako sa sinabi niya. Magkayakap kami nakahiga sa kama habang nag-aantay sa oras. Abala din kami sa cellphone namin. Ako sa pinapakinggan kong tugtog at siya ay ay sa f*******: account niya nag babasa ng newsfeed. "Ano nga pala ang tutugtugin niyo mamaya?" "Secret." Nakangising sabi niya. "Tsss.. sabihin mo na.." "Sa contest na lang babe maririnig mo.rin naman yun." "Okay." Tiningnan ko ang oras at maaga pa rin pala. Mga five kasi kami kumain kaya akala ko mga nine na. Alas otso pa lang pala. Pagkatapos kong magsend ng messages sa mga GroupChats ay itinabi ko ang cellphone at tumagilid paharap kay Pierce. Yumakap ako at pumikit. "Matutulog ka?" "mmmm" Sagot ko na nakapikit na. Dinalaw na ako ng antok. "Babe, isa lang bago ka matulog." Bumulong sa akin. "Pierce!" Napadilat ako. "May ilang oras pa naman oh." "It's still a NO!" Sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya sabay pikit. Naririnig ko siyang tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD