Chapter 18

1531 Words
"Hey.." Bati ni Hailey kay Troy. Lagi itong nauunang dumating. Nakapag usap narin sila tungkol sa breakup ni Troy at ng Ex-Girlfriend nito. Tinawagan ni Hailey si Troy the day after ng pag-uusap nila na nasa rehearsal si Hailey. After noon medyo umokay si Troy subalit nandoon pa rin ang nararamdaman niyang sakit. "Hi. You look beautiful." Bati ni Troy "Kaloka ka! Ngayon mo lang napansin. Maganda na ako dati pa no!" Pabirong-totoo ni Hailey "Hehe! I know. What I meant was bagay sayo yang suot mo." "Hindi ba ako mukhang trying hard dito?" "Nope." "Thank you." "You're welcome." Pagkatapos mailapag ni Hailey ang gitara ay hinanap niya ang cellphone niya. "Oh no!" "What's wrong?" "My phone. Nawawala!" "Nadukutan ka?!" "I'm sure hindi. Kasi wala naman akong nakasabay sa elevator, pati sa kotse. Nag-OWTO na lang ako papunta dito." Ang OWTO ay kagaya rin ng Grab service. "Hindi kaya naiwan mo?" Napaisip si Hailey. "Baka nga. Hind ko rin maalala na dinampot ko yun pag alis. Hays! Kakamadali nakalimutan ko!" "May mahalagang tawag o text ka ba na inaantay?" Naisip ni Hailey ang asawa. "Wala naman. Hayaan na natin yun. Sana lang talaga nasa bahay." "Hey guys!" Bati ni Lance at Tonton na sabay dumating. "Nakisabay ka kay Tonton?" Tanong ni Hailey. "Ah hindi. Nagkasabay lang kami sa may parking area. Motor gamit ko." "oh, Okay." Nagsisimula ng tumugtog ang banda nila. Samantala, si Pierce naman ay ilang beses ng tinatawagan ang number ng asawa ngunit nagriring lang ito. Nagtext narin si siya upang ipaalam na pauwi na siya. Gusto niyang makita ang asawa. Alam niyang nasa gig ang asawa kaya gusto niyang malaman kung saan ito uuwi. Alam niya rin na galit parin ito sa kanya. Binilisan ni Pierce ang pagmamaneho nang sa ganoon ay maabutan niya ang sawa sa restaurant na kinakantahan nito. "Bro. Nakabalik kana?" Tanong ni Pierce kay Nigel. Tinawagan niya ito at agad naman sinagot ni Nigel. "Yeah. Kanina lang." "Okay. Nga pala bukas maaga ba tayo?" "Mga before lunch dapat nandoon na tayo. Gagamitin din ni Jordan ang isang sasakyan nila doon kasi magkakasya ang mga gamit natin." "Oo sige." "Oo nga pala huwag mo kalimutan dumaan dito sabay na tayo. Kailangan ko ng masusuot sa Acquaintance Party. Hindi na magkasya yung pants kong isa. Baka may extra ka dalhin mo. Hindi ko kasi sinukat to kaya akala ko kasya pa. Alam mo na tuwing linggo lang ako nagpapalaundry service kaya nasa labahan pa kasi yung ibang damit ko. Hindi ako natuloy magpalaundry kanina dahil galing kami Bulacan ." "Oh sige." Ang battle of the bands ay mauunang gaganapin bago mismo ang party kaya naman abala ang mga nangangasiwa sa patimpalak at ang nagangasiwa sa Acquaintance Party upang hindi maging conflict masyado ang event. Nakarating si Pierce sa restaurant at dali daling ipinark ang sasakyan. Pinili niyang umupo sa may dulo ng sa ganoon ay hindi siya agad mapansin ni Hailey. Umorder na rin siya para hindi naman halatang nag-aantay lang siya. Kasalukuyan namang may binabasa na kapirasong papel si Lance para sa request na kanta ng isang customer. Si Hailey ay nakatalikod kausap ang kagrupo at ilang sandali pa ay humarap na ito at nagsalita. Napanganga si Pierce ng mapagmasdan ang asawa. Lalo siyang nabighani dito. Alam niya ang bawat parte ng katawan ng asawa ngunit hindi niya parin maiwasan ang humanga dito. "Alright this song po ay request ng isang customer natin para sa ex-girlfriend niya. Tintin this is for you." Sabi ni Hailey bago mag umpisang kumanta. Kinanta ni Hailey ang Unbreak My Heart by Toni Braxton . May mga sumunod pang mga kanta ang nirequest. Sa buong oras ng pagkanta ni Hailey ay nakamasid sa kanya ang asawa habang kinukuhanan siya ng video. Ngayon niya lamang narinig kumanta ang asawa ng tuloy tuloy at napahanga siya sa boses nito. Natapos na ang dalawang oras na performance nina Hailey kaya naman ay agad na silang nag ayos ng mga gamit nila sa likod habang mayroon naman sumunod na grupo ang kumanta pagkatapos nila. "Hailey, goodluck sa laban mo bukas ah." Sabi ni Tonton "Salamat Ton." "Oo nga. Gusto sana namin manood kaso bawal pala outsiders." Sabi naman ni Lance "Oo eh. Hehe! Oh paano mauna na ako sa inyo." "Sabay ka na." "Medyo may dadaanan pa kasi ako. Ingat kayo guys." "Ingat Hailey." "Ikaw din Troy." Sagot naman ni Hailey. Habang naglalakad si Hailey papalayo upang tumungo sa terminal ng taxi ay may napansin siyang nakasunod sa kanya. Mayroon din mga kalalakihan sa may unahan niya na nag-umpukan. Yun pala ay mga lasing na ang mga ito. Kagagaling lang din sa isang bar ang tatlong mga kalalakihan. Kabado man ay tumuloy pa rin si Hailey na dumaan. Inaayos niya ang suot niya para hindi siya mapagkamalan at niready na niya ang kanyang gitara. Nang nakalagpas na siya ay may sumitsit sa kanya at tinatawag siya. Hindi pinapansin ni Hailey ang tumatawag sa kaniya at nagmamadaling maglakad. Malapit na siya sa may terminal ng mga taxi ng may humawak sa braso niya at hinila pabalik "Miss.. Saan ka pupunta?" "Oo nga miss. Kanina ka pa nga namin tinatawag." Naamoy ni Hailey ang alak sa mga bibig nila. "Bitawan niyo nga ako! Mga bastos!" Pag-mamatapang na sabi ni Hailey. "Oy, palaban. Teka miss gusto ka lang naman namin magpakilala." "Nagmamadali ako. Pwede ba padaanin niyo kundi sisigaw ako.!" Natatakot na si Hailey. Hind na niya alam ang gagawin. Ni hindi narin siya makakilos na tila namamanhid ang buong katawan niya. Subalit nang akma siyang hilain ng dalawang lalaki patungo sa may sulok ay dalawang magkasunod na suntok ang napala ng dalawang lalaki samantalang ang isa ay nagulat sa nagyari. Laking gulat naman ni Hailey ng mapagtanto kung sino ang gumawa. "Tarantado kayo! Leave my wife alone!" Galit na galit si Pierce. Kita ni Hailey ang nanlilisik na mga mata nito. "Pierce!" Sambit ni Hailey sa asawa. Kinuha naman siya agad ni Pierce "Are you okay?" Pag-aalalang tanong nito "Oo. Okay lang ako. Salamat." Ilang saglit pa ay dumating na rin ang security guard at ibang mga tao upang tumulong. "Teka ho. Gusto lang naman namin makipagkilala." Sabi ng isa sa tatlong lalaki na tila nawala ang kalasingan ng may dumating na mga pulis. Dinampot na sila ng mga pulis at sumunod naman sina Hailey gamit ang sasakyan ni Pierce upang maghain ng reklamo. Hindi na rin pinalaki pa ni Hailey ang isyu at gumawa na lamang ng sinumpaang salaysay ang talo sa harap ng mga pulis na hindi na uulitin ang ginawa sa kahit kanino. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ang mag-asawa. Pinapakiramdaman naman ni Pierce ang asawa. "Okay ka lang ba talaga?Hindi ka ba sinaktan?" "Pierce sinabi ko na sayo kanina pa. Ayos lang ako." "Okay." Nakarating sila sa condo at agad naman hinanap ni Hailey ang cellphone niya. "Aalis ka ba?" Tanong ni Pierce ng makapasok ito sa kwarto nila. Plano talaga ni Hailey na umuwi dito agad para makuha ang cellphone at doon na sa boarding house matulog kaya hindi na siya sumabay kanina Tonton. Mapapalayo kasi sila kapag sumabay pa siya. Ngunit, iba ang nangyari. "Hindi." Sagot ni Hailey. Nakahinga si Pierce ng maluwag sa narinig. "Hindi ko dala ang cellphone. Naiwan ko dito kanina." Sabi ni Hailey ng makita ang mga text ng asawa at ang mga missed calls nito. "Mabuti pala at dumaan ako doon. Kung hindi baka kung ano ng nangyari sayo." Sabi naman ni Pierce habang hinuhubad ang mga damit at nagpalit. "Bakit ka nga pala nagpunta dun?" "Para makita ka." Natahimik bigla si Hailey. Sobrang pasasalamat niya at dumating ang asawa dahil baka iba na ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naalala parin niya kung gaanong galit na galit ang asawa sa tatlong kalalakihan. Ang inis o galit niya dito ay unting nawawala. "Kumain ka na ba kanina?" "Hindi pa." "Magluluto ako." "Sige." Habang nagluluto si Pierce ay naghalf-bath muna si Hailey at pagkatapos ay tumungo sa kusina upang tingnan ang niluluto ng asawa. "Sorry medyo ilang minuto pa to bago maluto." Sabi ni Pierce. Tahimik lang si Hailey habang pinagmamasdan ang ginagawa ng asawa. Maya-maya pa ay tumayo si Hailey at lumapit sa asawa. "Gusto mong tikman?" Tanong ng asawa niya. Hindi sumagot si Hailey sa halip ay yumakap ito sa asawa na agad namang gumanti ng yakap din si Pierce. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Ninanamnam nila ang yakap ng isa't isa. "Hailey.." Iba't ibang emosyon ang nasa mga mata ni Pierce. Nakatitig naman si Hailey kay Pierce at napangiti. "Hindi mo alam kung gaano kita namimiss." dugtong ni Pierce. Bilang sagot ni Hailey ay hinalikan niya ang asawa sa mga labi nito na siya namang ikinalugod ni Pierce. Napahiyaw si Hailey sa gulat ng buhatin siya ng asawa at itinuloy ang paghalik. Agad naman gumanti ng halik si Hailey habang nakayakap sa leeg ng asawa. Maya-maya ay naamoy ni Hailey na nasusunog na ang niluluto ni Pierce. "Pierce, yung niluluto mo!" "s**t!" Dali dali namang pinatay ni Pierce ang electric stove habang buhat pa rin ang asawa. "Ibaba mo na ako." Natatawang sabi ni Hailey. "Nope." At dinala ni Pierce ang asawa pabalik ng kwarto habang angkin ang mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD