"Pi--- Pierce? Imposible!" Gulat na gulat na naibulalas ni Nigel. Putlang-putla ang itsura niya na nakatitig kay Pierce at pabalik kay Hailey. Salit-salitan siyang tumitingin sa dalawa na hindi alam ang gagawin? Habang si Hailey ay inaasahan niya ang magiging reaksyon nito. Matiim naman na nakatitig si Pierce kay Nigel. Ang kaninang mga salitang gustong sabihin no Nigel ay nawala na ng tuluyan. "Pumasok na muna tayo, kuya." Wika ni Hailey na naunang pumasok sa loob at inaantay si Nigel na pumasok. Tila napako na sa kinatatayuan si Nigel. Hindi alam ang gagawin. Napahigpit na lamang ang hawak niya sa dala niyang bagahe. "Kuya-" "Nigel." bati ni Pierce. Halos hindi maihakbang ni Nigel ang mga paa niya. Kung hindi pa siya hinila papasok ni Hailey ay hindi siya papasok. "Maupo ka." uto