"Tumatawag sa akin si Clyde kahapon kaya lang ay hindi ko nasagot dahil nasa work ako. May problema ba kayong dalawa? Kaya mo ba ako pinapunta dito?" "Kuya pagdating na natin pag-usapan yan." Seryosong sagot ni Hailey. "Okay. Nga pala, sis. May balak ka pa bang pumunta ng Pilipinas?" Nangangamba si Nigel na mabuking ang sikreto nila. Matiim namang nakatitig si Hailey sa kanya. "Bakit kuya? Dapat ba hindi ako pupunta ng Pilipinas?" "Hindi naman sa ganoon. Ang akin lamang eh, nasa Boise na sina mommy nakatira. Si kuya Nitro naroon din at ako nasa Reno na rin nakatira, lahat kami nasa Amerika. Kaya ano pang dahilan mo para pumunta doon?" Matagal na kasing gustong makauwi ng Pilipinas ni Hailey. Gusto niya noong makagraduate siya ay doon siya magbakasyon. Ngunit, nauna na magbook ng fligh