"Dude, anong problema?" pagtatakang tanong ni Michael kay Nigel na pinipigilan ang braso ni Nigel na suntukin si Pierce. "Wala!" piksi ni Nigel na iniwan sila ni Pierce. Sa umpisa pa lang ng klase nila ay napansin na ang hindi pagkikibuan nina Nigel at Pierce. Unusual para sa dalawa na hindi mag-usap kaya hindi lang si Michael ang nakapansin. Pati na mga malapit na kaibigan nila at ang mga kabanda nila ay nagtataka narin. Hindi narin umupo si Nigel sa pwesto niya. At noon break naman ay hindi nakisama si Nigel sa kanila dahil andoon si Pierce. Sinubukang kausapin ni Nigel si Pierce bago palang ang klase ngunit nauwi ito sa pagtatalo dahil pilit niyang paghiwalayin sina Pierce at Hailey. Noong last time na kinausap ni Pierce si Nigel sa cellphone ay binalaan siya ni Nigel na huwag ma