Hailey POV "What is this??!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Para akong tinulos sa kinatatayuan ko dahil sa hindi ko inaasahang panauhin. Ilang hakbang lang ang layo nila sa amin nina kuya. "Anak, halika. Tamang-tama medyo kararating lang din nila. At inaantay ka rin namin na dumating.." Masayang sabi sa akin ni daddy na hindi pinansin ang pagkabigla ko. "Kuya?" Nililingon ko si kuya Nitro at si kuya Nigel habang dinadala ako ni daddy sa sala kung saan nakatayo na nag aabang si Clyde sa akin at ang parents niya. Si kuya Nitro ay nakangiti na sinesenyasan akong lumapit pa doon habang ang kuya Nigel ay nakikita kong naguiguilty. "Dad-" pilit kong inaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak subalit nabalewala na lamang iyon dahil lalo pa niyang hinigpitan. "Clyde iho. Heto